Saturday, October 18, 2008
Ang Tunay na Pagkakapatid at Pakikipagkapwa
Bawat tao ay may kanya- kanyang paniniwala lalo na kung sa Relihiyon ang pag-uusapan, may kanya- kanyang pamamaraan ng pagtuturo at paninira sa kanilang mga di kaanib o kasama sa pananampalataya. Pero sa totoo lang po hindi po sa relihiyon tayo maililigtas kundi sa lakas at pananampalataya natin kay Panginoong Jesus at pagsunod sa kanyang landas. Marami po kasing nagsasabi na sila lang ang maliligtas, ang sabi naman ng iba, nasa kanila ang tamang landas at tamang paniniwala. Mga kapatid ko kay Jesus sana po buksan natin ang ating mga puso para kay Jesus, huwag po tayong sumira o magsabi sa ating kapatid na mali ang kanyang paniniwala. Wala po tayong batayan kung talagang mali ang pananampalataya ng isang tao, sabihin ng iba ang Bible ang batayan. 100 % po na totoo po iyon dahil ang bible ay isa sa pinakamahalagang batayan natin sa ating pananalig, ngunit bawat tao ay may kanya- kanyang pananaw at pagkakaintindi sa mga nakasulat sa banal na kasulatan, bawat relihiyon may kanya- kanyang paniniwala at pagkakaintindi. Kaya dito nagkawatak watak ang pananalig kay Jesus, dahil may kanya kanya sila ng paninindigan. At ang napakasakit po ay ginagamit na ang isang relihiyon para kumita lang ng limpak-limpak na salapi, Marami nang nagpatayo ng sariling mga organization, heto ang mga taong ipinipilit nilang magbigay ang mga kasapi nila ang sinasabi nilang "ikapu". Ang 10% na kinita sa trabaho ay ibibigay sa kanilang church. Pero tama po ba ito?, Mga kapatid ko kay Jesus, tama sana po ito kung taos puso pong galing sa ating mga mabubuting kalooban, hindi po napipilitan dahil useless din. Kahit 20% pa ang ibibigay po natin kuhng di naman po bukas sa kalooban natin wala ding saysay, di po nagagalak ang Diyos sa atin. Mahirap tanggapin pero marami na pong ginagamit nila ang relihiyon para makaangat sa kanilang sariling buhay. Saka ang ikapu po ay di na po dapat, kasi sobra sobra na po ang mga simbahan or church natin, naipatupad lang po iyan noong unang panahon na kulang pa sa mga kailangan ng ating mga church. Kasi po ang ating Panginoong Jesus ay libo libong tao ay pinakain niya, walang wala po sila pero kaylan man di po niya ipinatupad ang 10% na yun or ikapu, kasi ng sabi nya hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa salita ng Diyos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment