Isang gabi nagdasal siya at kinausap niya ang Diyos, "Diyos ko siguro naman sapat na sa iyo ang mga ginagawa ko, para ibigay mo sa akin ang aking kaligtasan at mapasama sayo sa iyong kaharian." Nang makatulog na ito narinig niya ang isang tinig sa panaginip, isang napakahiwagang tinig na hindi niya alam kung saan nanggagaling. "Melinda di pa sapat ang ginagawa mo sa akin para ibigay ko ang iyong hinihiling." pagkasabi ng mahiwagang tinig bigla siyang nagising at natakot. Nag-isip siya kung bakit ganun ang napanaginipan niya sa gabing yon.
Maaga pa lang nakabihis na si Melinda at papunta na ito sa kanyang service Honda civic ng tumunog ang kanyang cellphone. banayad na kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang shoulder bag at sinagot ito. Isang tinig ng lalaki ang tumawag, nakilala niya agad ang boses ng lalaki, Si Reymark isa sa mga staff ng office nila. "Bakit ka nakatawag?" agad tanung niya sa kausap. Umiiyak ang boses ng lalaki, "Maam kagabi may natanggap po akong tawag galing sa pamilya ko sa probinsya, namatay daw ang aking ina at kelangan makakauwi ako agad," sabi ng lalaki. Hindi pa natapos ang pagsasalita ni Reynark, "Alam mo naman kong ano ang proseso ng pag-file ng absence of leave sa opisina natin, at isa pa marami tayong dapat tapusin ngayon kasi kelangan next week matapos natin yong hinihinging documents na nirerequest ng Customer natin kaya kaylangan ko ngayong tao." Pagkatapos pinatay agad ang cellphone na di man lang niya inantay ang susunod pang sasabihin ng kausap.
Mainit ang ulo ni Melinda na pinaandar ang kanyang sasakyan. Mga ilang minuto tumigil siya sa isang parking area ng isang church at pumasok siya doon. May inabot itong sobre sa secretary doon. Paglabas niya sa kumbento may isang ale na may dalang anak at himihingi ng limos. "Pwede po bang humingi ng kahit kunting pambili ng makakain naming mag-ina" saad ng ale na mukha nga itong nanghihina dahil siguro wala pa itong kain. Hindi pinansin ito ni Melinda at tuloy ang paglakad. Dahil dito kinulit siya ng ale, sinundan hanggang sa kanyang sasakyan. Dahil sa sobrang init ng ulo ni Melinda naitulak niya ang ale at bumagsak. Umiyak ng umiyak ang ale pero di pinansin ni Melinda.
Isang gabi nagdasal si Melinda " Panginoon napakahalaga ka sa akin kung pwede lang sana dalawin mo ako sa aking tahanan at ipaghahanda kita ng masasarap na hain at gagastusan kita ng kahit magkano" Pagkadasal nito biglang may isang tinig na sumagot sa kanya, Bukas Melinda dadalawin kita sa iyong tahanan" saad ng napakahiwagang tinig. Pero ng imulat ni Melinda ang kanyang mga mata saka niya lang ito nalaman na isa lang palang panaginip iyon. Pero nag-isip siya, bakit nga ba di niya subukan gawin na ipaghahanda niya iyon pagdating ng bukas.
Maagang ginising ni Melinda ang kanyang kasambahay para ipaghanda ang araw na iyon, magluluto siya ng maraming masasarap na pagkain at gagawin niyang bongga ang araw na iyon para sa Panginoon. Mga ilang oras ang nakalipas bago natapos ang lahat ng paghahanda. Pinaganda niya ang buong bahay, di na siya pumasok sa opisina at ipinagtiwala nalang niya lahat sa secretary niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin doon, dahil isinakripisyo niya ang araw na iyon para sa kanyang panginoon.
Pagdating ng tanghaling tapat, may kumatok sa kanilang pintuan at siya na mismo ang nagbukas. Pagkabukas niya isang kaibigan, na naging kaaway niya dati ang nasa pintuan. Biglang nagalit si Melinda at isinara agad ang pinto. Pagdating ng alas-dos ng hapon may narinig na naman itong kumatok sa pintuan, at mabilis na tinungo ang pinto at pagkabukas niya isang pulubi at humihingi ng makakain, sinara agad ni Melinda ang pinto at mas lalo na naman nadagdagan ang galit nito. Nagdasal siya sa Diyos, "Panginoon sana naman huwag mo akong biguin, sinabi mo na dalawin mo ako ngayon". Pagkadasal niya iyon biglang may kumatok sa pintuan at nagmamadali itong binuksan, pagkabukas niya si Reymark na namatayan ng ina. Umiiyak si Reymark at nakiki-usap kay Melinda na sana payagan naman niya ito na makauwi man lang sa kanilang probinsiya. Bukas mo nalang ako kausapin at may inaantay akong bisita ngayon" agad isinara ni Melinda ang pinto at nagalit na naman ito. Maghapon na nag-antay pero hindi dumating ang inaasahan nitong bisita. Uminum siya ng uminum ng alak at nagpakalasing, masakit ang loob niya" Sabi mo dalawin mo ako pero kahit man tinig mo diko narinig" Sabi nito na umiiyak. Hanggat di niya namalayan nakaidlip na ito sa kaaantay.
"Melinda!...Melinda!... Melinda!...." isang mahiwagang tinig na naman. Bumangon siya at nasilaw ang kanyang mga mata dahil sa sobrang liwanag na kanyang nakikita sa kanyang harapan. "Panginoon bakit mo ako niluko, pinaasa mo ako at pinag-antay ng wala!, di ba ikaw ang nasabi na dalawin mo ako pero kahit tinig mo man lang diko narinig" wika nito habang umiiyak.
Hindi kita binigo, hindi kita niluko at hindi kita pinag-antay ng wala, pinuntahan kita ng tatlong beses pero di mo ako tinanggap sa pamamahay mo, dahil ba sa katauhan ko na yon di mo ako matanggap Melinda?, Sabi mo mahal na mahal mo ako bilang panginoon, pero bakit di mo matanggap ang mga katauhan ko, bakit di mo ako inintindi at maawa man lang sa akin o pinagbigyan sa hiling ko. Hindi ka karapat dapat sa akin Melinda, hindi ka karapat dapat sa akin. " Biglang nawala ang tinig at ang liwanag sa harapan ni Melinda. Nang nagising si Melinda saka niya lang naalala ang mga taong dumalaw sa kanya nung araw na iyon.
Si Jesus ay isang kaibigan na maraming katangian, sabi niya "Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa mo din sa akin". Isang napakagandang hamon ito para sa ating mga kapatid na mamamayan. Nasa paligid po natin si Panginoong Jesus, hindi lang po pananampalataya sa kanya, kundi pati din sa pagsunod sa kanyang gawa. Lahat ng mabuti ay gawa ng Diyos. Gawa ng liwanag.