Monday, August 4, 2008

Panlabas na Kagandahan ng tao

Maganda ako, sabi mo sa sarili mo. Kasi kumpleto ka sa height, makinis ang kutis, seksi, may maamong mga mata at dimples, at totoo, maganda ka nga.
Kaya dahil maganda ka, ang gustuhin mong mga kasama ay magaganda rin, ang gustuhin mong manliligaw ay mga gwapo. At siyempre, di ka papatol sa isang pangit na tulad ni Elmer, na bukod sa sarat ang ilong at makakapal ang labi ay hindi pa matangkad at hindi macho.
Nang mag- text sa iyo si Elmer para dalawin ka sa iyong bahay, ang una mong tanong: “bakit…?”
Tapos ay nilait mo ang kaibigan mong nagbigay ng iyong numero sa lalaki. Kung hindi pa naawat, muntik nang masira ang friendship niyo ng iyong kaibigan. Ganoon kalala. Ganoon mo kinamumuhian ang mga taong pangit. Kasi nga, mganda ka, walang kasing ganda.
Para patunayan mong ikaw nga ay maganda, sumali ka sa pa- contest ng school: Ms Campus. Siyempre, dahil totoong maganda ka nanalo ka, nakuha mo ang titulo. Ang laki- laki kasi ng puntos ng self confidence, yung feeling mong magandang-maganda ka kaya lutang sa aura iyon, kita ang mga judges iyon. Kay yabang mo pang sumagot sa question and answer kaya kuha mo ang intelligence points.
So maganda ka kayang-kaya mong ipagyabang iyon sa buong bayan, sa lahat ng lalaki.
Pero teka, isang araw ay humarap ka sa salamin, saka mo tinanong ang sarili: bakit walang manliligaw sa iyo maliban sa pangit na si Elmer? Nasaan ang mga gwpo’t makikisig na lalaki, bakit walang pumipila sa iyong manliligaw gayong ikaw ay maganda, campus queen, etc., etc.
Ay si Chona na pandak at walang appeal, pero tatlo ang manliligaw.
Ay si Jenny na payatot at walang beywang, pero may nobyong ang gwapu- gwapu.
Ay, si Gina na mataba, may nobyo na’y marami pang umaaligid na lalaki.
At si ganito, at si ganire, at si ganoo’t ganyan, bakit hindi naman mga campus queen na tulad niya’y andami daming mga gwapong lalaki na umaaligid?
At ikaw mayroon ngang isang nangungulit, isang pangit na lalaki, sarat pa ang ilong at makapal ang labi’t hindi macho? Maloloka siya. Gusto mong basagin ang salamin. Sinungaling ang mga lalaki, bulag, walang nakikitang ganda.
“ Ang ganda ay hindi sa panlabas na anyo. Nasa loob. Nasa kaibuturan. Aanhin mo ang ganda mo ang makinis mong kutis, seksing katawan, maamong mga mata at dimple na malalim, kung sa loob naman ubod ng pangit, ubod- dumi, at kasuklam suklam na hindi marunong rumespeto sa panloob na pagkatao ng isang tao.
Ang linyang iyon ay si Elmer mo narinig, sa nag-iisang lalaking manliligaw sa kanya, sa pangit na si Elmer na nilalait nililibak mo.
Maganda ka. Seksi. Kaakit-akit. Campus Queen. E, ano? Ang tunay na ganda ay hindi nakikita sa repleksyon ng salamin sa dingding, hindi nakikita sa korona o sa palakpak ng mga tao sa beauty contest. Dahil ang ganda ay nasa loob, ang tanging nakakakita rito ay iyong mga taong marunong magpahalaga sa tunay na kalinisan ng kalooban ng isang tao.
Ang iyong gandang iyon ang dapat maging ganda na sino sa mundong ito.
Ang kabutihang loob ang tunay na kagandahan, hindi ang panlabas na anyo, hindi ang kaseksihan at kinis ng kutis.
Ang Kagandahang loob at kabutihan ng ating puso't isipan ang tunay na kagandahan, kasi ang panlabas na kagandahan ng tao ay magbabago habang siya'y tumatanda, at ang kabutihang loob ay kaylanman di ito mawawala kundi madala mo ito hanggat sa pagtanda at maging sa kabilang buhay. Kaya kaibigan kung ikaw ay may itsura o panlabas na kagandahan huwag po nating ipagyabang o gamitin ito para maluko natin ang kapwa natin, Dapat mo itong pangalagaan at magpasalamat ka sa Diyos dahil binigyan ka ng ganyang itsura. At upang mapanatili mo ang iyong kagandahan, gumawa ka ng mga bagay na nakakasiya o nakakagalak sa ating Poong Maykapal upang ang ating Pinqakamabuting Diyos ay magagandahan sa iyo, at magagalak sa iyo.

2 comments:

Anonymous said...

Nice and good profile

Anonymous said...

so true.kung bakit nga ba ang pisikal na anyo ang nagiging batayan ng ibang tao upang sukatin ang pagkatao ng iba...