Noong Augost 17, 2008, sumama ako kina Johny Rabaja at Rvic Bote, sa isang fellowship sa Sta. Lucia. Si Johny kasi ay matagal na siyang umaatend sa fellowship na yun, halos tuwing sabado at lingo. Noon pa niya ako niyaya kaso nga lang di pa sapat ang mga paliwanag na gusto kong malaman tungkol sa relihiyon niya, Im a Roman Catholic pero hindi ako nagdedepende sa turo ng simbahan kundi nagdedepende ako sa mismong banal na kasulatan" Biblia". Kung minsan nalilito ako kasi kung ibatay ko sa biblia ang kaugalian ng RC ay marami akong nakikitang katungan na hindi dapat. Pero di ako tumigil na nanaliksik, kundi mas lalo pa akong nagbasa ng nagbasa ng biblia.
Si Rvic Bote ay firts timer din siyang umatend sa fellowship na yun noong linggo Augost 17, 2008. Napakabait talaga ng Panginoon kasi binigyan niya ako ng changce na makaatend sa fellowship na yun. Pagdating namin doon napakagaan ang pakiramdam ko, pakiramdam ko wala na akong problema. At isa pang nagpahanga sa akin ay may mga pagkakaisa ang mga tao doon, nagkukumustahan, at higit sa lahat napakalakas ng mga pananalig ng bawat isa kay Panginoong Jesus. At halos silang lahat binati ako at kinumusta kahit di nila ako kilala. Napakasaya ko sa oras na yun. Napasama tuloy akong kumanta ng mga christian song nila. Mararamdaman mo talaga na ang Holy Spirit ay nasa puso mo. Ang ganda ng topic ng pastor, at namangha talaga ako. Pagkatapos ng programa ay ipinakilala nila kaming first timer na umatend sa fellowship na yun sa araw na yun, namangha ako at nagulat kasi halos lahat ng mga believer doon ay pumunta sa akin at nakipagkamayan, at halos binabanggit" God Bless You", diko tuloy alam kung sino yong uunahin kong kamayan, napakasaya talaga doon sobrang saya ko. Kaya sabi ko sa sarili ko " God Maraming salamat po dahil binigay mo sa akin ang pagkakataong ito"
Sa totoo lang talaga I'm religious people pero nag-iisa ako kelangan ko ngsamahan at pakikiisa, kasi naniniwala ako na mas powerful ang pananalig kung marami kayo, kasi sabi ni Panginoong Jesus " Kung sino man ang dalawa o mas higit pa na tatawag sa pangalan ko nasa gitna nila ako. So God Thank you so much for the Blessing that im recieved right now. And thanks sa lahat ng mga kabutihang loob na binibigay mo sa akin kahit minsan suwail ako, forgive me God sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko, at hinihiling ko po sayo na sana ilayo mo po ako sa kasalanan, puspusan mo po ako sayong Banal na Espirito, upang magampanan ko ang mga bagay na gusto mong mangyari, at nananalig ako sa pangalang ng iyong anak na si Jesus Amen.