Sunday, August 8, 2010

Ang Pagiging Good Leadership

Ang Pagiging Leader ay napakahirap, lalo na sa isang samahan, sa trabaho, o kung saan man samahan. Ano ba ang mga dapat taglayin ang pagiging isang leader?

Kung isa- isahin natin napakarami, unang -una ay ang pagiging honesty, understanding, creative, has kills and techniques etc.

A good leader has an exemplary character, It is of utmost importance that a leader is trustworthy to lead others. At kailangan maging maganda at maayos ang pakikitungo mo sa iyong mga tauhan.

A leader needs to be trusted and be known to live their life with honestly and integrity. A good leader "walks the talk" and in doing so earns the right to have responsibility for others. True authority is born from respect for the good character and trustworthiness of the person who leads. And also must be the leader is enthusiastic about their work or cause and also about their role as leader.

Maging isa kang huwaran sa kanila, at kaylangan maging maganda ang communication mo sa kanila, maging sa pagsasalita o di kaya to be dedicate them lalo na kapag nakikita mong nahihirapan ang iyong tauhan. kasi people will respond more openly to a person of passion and dedication. Leaders need to be able to be a source of inspiration, and be a motivator towards the required action or cause. Although the responsibilities and roles of a leader may be different, the leader needs to be seen to be part of the team working towards the goal. This kind of leader will not be afraid to roll up their sleeves and get dirty.

Ang isang leader ay Confident. In order to lead and set direction a leader needs to appear confident as a person and in the leadership role. Such a person inspires confidence in others and draws out the trust and best efforts of the team to complete the task well. A leader who conveys confidence towards the proposed objective inspires the best effort from team members.

And isang leader din ay kaylangan to function in an orderly and purposeful manner in situations of uncertainty. People look to the leader during times of uncertainty and unfamiliarity and find reassurance and security kung ang leader ay portrays confidence and a positive demeanor.

Good leaders are tolerant of ambiguity and remain calm, composed and steadfast to the main purpose. Storms, emotions, and crises come and go and a good leader takes these as part of the journey and keeps a cool head.

A good leader, as well as keeping the main goal in focus, is able to think analytically. Hindi lang sa pagiging a good leader view a situation as a whole, but is able to break it down into sub parts for closer inspection. While keeping the goal in view, a good leader can break it down into manageable steps and make progress towards it.

A good leader is committed to excellence. Second best does not lead to success. The good leader not only maintains high standards, but also is proactive in raising the bar in order to achieve excellence in all areas.

Kaylangan taglayin o makikita sa mga leader ang mga characteristic na ito upang mapanatili ang role as a good leadership.

Tuesday, July 7, 2009

Michael Jackson Memories


Michael Joseph Jackson began his Bio History when he was born on the 29th of Augost 1958 in Gary, India. He was the 7th of nine children.(brothers: Sigmund"Jackie", Toriano "Tito", Jermaine, Marlon, Steven "Randy", and and sister Rebbie, Janet and La-Toya Jackson.

Michael began his musical career at the age of 5 as the lead singer of the Jackson 5 who formed in 1964. In these early years the Jackson 5, Jackie, Jermine, Tito, Marlon and lead singer Michael played local clubs and bars in Gary Indiana and moving further a field as there talents grew and they could complete in begger competitions. From these early days Michael would be at the same clubs as big talented stars of there days, such as Jackie Wilson and wold be learning from them even back then.

In 1968 the Bobby Taylor and the Vancouver discovered the Jackson five and from there they got an audition for Berry Gordy of Motown Records. The Jackson 5 signed for Motown and moved to California. Their first 4 singles. "I want you Back", "ABC", "The Love you Save", and "I'll Be there" all made US No. 1 hits. The Jackson 5 recorded 14 album and Michael recorded 4 solo albums with Motown.
The Jackson 5 stayed with Motown until 1976, wanting more artistic freedom they had to move on and signed up with Epic. The group name Jackson 5 had to be known inthe early days. Brother Jermaine married Berry Gordy's daughter and stayed with Motown. Youngest brother Randy joined in his place. The Jacksons had a number of hit records and in total made 6 albums between the years of 1976 and 1984.

In 1877 Michael made his first film debut when he starred in the musical "The Wiz' playing Sacrecrow with Diana Ross in the lead role of Dorothy. It was at this time Michael met Quincy Jones who was doing the score for the film.

Michael tearned up with Quincey Jones as his producer for his first solo album with epic Records. The album titled "Off The Wall" was a big succes around the world and first ever album to release a record breaking 4 no. 1 singles in the US.

In 1982 Michael Jackson released the world's largest selling album of all time, Thriller'. This album produced 7 hit singles, breaking yet again more records, and went on to sell over 50 million copies worldwide. Michael was keen to use music video or short films as he called them to promote his singles from the album. He worked with the best directors and producers, using the latest technology and special effects for the hit song ' Billie Jean' The short film'"Thriller" used the latest make-up artist technology combined with fantastic dancing and cherography, to produce a 14 minute video, with a start, a middle and an ending. So succesful was this video that ' The Making of Michael Jackson's Triller' bacame the world's largest selling home video combine with soaring album sales. In 1983 Michael performed the now legendary moonwalk for the time on the 'Montown' 25 years' aniversary show. This pewrformance alone set Michael undoubtable into the realm of a superstar.

In 1984 Michael won arecord braking 8 Grammy awards in one night. The awards were for his work on the 'Thriller' album and his work on the narrative for 'ET Story book'.

On December 9th 1984 at the last concert of the Jackson's Victory Tour, Michael announced he was splitting from the group and going solo.

In 1987 Michael released his much awaited third solo album, titled 'Bad', and lauched his record breaking first solo world tour. 1988, Michael wrote his first autobiography, Moonwalk, talking for the first time on his childhood and his career. At the end of the 1980's Michael was named 'Artist Of The Decade' for his success off of his 'Thriller' and Bad' albums.

In 1991 Michael signed with sony Music the largest ever recording contract and released his fourth solo album, 'Dangerous'. He toured world again in 1992, taking his concerts to countries that had never before been visited by a pop/rock artist. Also Michael founded the 'Heal the World Foundation' to help improve the lives of children across the world.

In 1994 Michael married Lisa Marie Presley, daughter of rock legend Elvis Presley. The marriage only lasted for 19 months, as they divorced in 1996.

1995 saw Michael release a fifth solo album, 'HIStory', which was a double album, first half new material and second half greatest hits. Michael toured again over a legs covering a 2 year period. In between legs of the tour on November 14th 1996, Michael married for his second time to Debbie Rowe who was a nurse that Michael had met in the treatment of his skin pigment disorder. Together they had their first child Prince Michael Joseph JacksonJr. born on February 13, 1997 and a daughter Paris Michael Katherine Jackson born on April 3rd 1998.

In 1997 Michael released the remix album 'Blood On The Dance Floor' which also contained 5 new song linked with a 38 minutes film 'Ghosts'. This film Michael played 5 roles using the latest special effects and make- up artistry, combined with his dance and music.

In September, 2001 Michael celebrated his 30th anniversary as a solo artist with two concert to be held in New York, USA. Many artist such as Whitney Houston, Usher, Destinys Child, Shaggy and many more performed there biggest hits. Michael then went onto perform solo some of his biggest hits.

In October 2001 Michael released the album 'Invincible' releasing only two singles including the big hit "you Rock My World". shortly after the albums release there were runours of a rift with Sony Music and a clear lack of promotion of the album. The second single "Cry" was released with a very poor music video which did not feature Michael and no other singles were released.

In November 2003 a new single "One More Chance" was released as a single and was also a track on new compilaition album "Number Ones".

In March 2009, Michael announced a shock comeback tour at the 02 Arena in London to start in July 2009, initialy for 10 dates but the total grew to a sold out 50 dates with over 750,000 tickets sold. All sold tickets sold out within minutes of being released.

On June 25th 2009, Michael Jackson died suddenly of a reported cardiac arrest. He was 50 years old.
















Sunday, May 3, 2009

Pinoy are very Proudly the fighting of Manny Pacquiao vs Ricky Hatton

We did not expected the fighting of Manny Pacquiao vs Ricky Hatton was finished shortly at 2nd round. Marami na namang Pilipino ang natuwa at nagalak sa nangyaring labanan, at di nila in- expect na hangang 2nd round lang ang labanan. We were very Proudly dahil ito lang ang labanan sa boksing na di na umabot ng maraming round.

Pinatigas ni Paquiao nang husto ang kanyang reputasyon bilang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo mula pa noong nakaraang taon sa pagtatala niya ng panibagongkasaysayan nang kanyang tinapos si Hatton sa loob lamang ng dalawang round o 359 segundo sa harap ng 16,262 na taong nasa MGM Grand sa Las Vegas kahapon.

May isang segundo na lamang bago matapos ang tatlong minuto sa ikalawang round, nakakita ng butas si Idol natin at ipinukol ang halos makabasag pangang kalawit na kaliwang suntok sa panga ni hatton. Iyon na ang tumapos sa pambato ng Britanya.

Noong sisimulan na ang laban maraming pinoy ang nanggigigil kay Hatton subalit sa unang round palang ay hindi na gigil ang mararamdaman mo kundi awa kay Hatton kasi naman dahil sa sobrang lakas ng suntok nitong idol natin na Pambansang Kamao ay natumba itong si Hatton, pero alam niyo ba kung ano ang sinabi nitong si Hatton" Naka-timing ka lang" .

Kaya nagpakitang gilas ito at bumangon ulit para lumaban, ayaw nitong igaganun nalang siya ni Pambansang Kamao.Hindi siya papayag na basta na lamang niya ibibigay ang kanyang gold belt kay Manny Pacquiao. But Pacman dinoble ang alert nito sa mga suntok ni Hatton. Pero makikita sa mga mata ni Mr. Hatton ang takot at pangamba, dahil sa 1st round palang napatunayan niya kung gaano kalakas ang suntok nitong si idol.

Kaya naman pagdating ng 2nd round makikita mo si Mr. Hatton na sugod ng sugod but he is lack of defence to his face, kaya naman si Idol napalusot nito ang kamao sa panga ni Mr. Hatton. Dahil sa sobrang lakas ng suntok ng Idol natulog itong si Mr. Hatton. Naku naman gaano ba kalakas ang kamao ni Idol bakit ganun nalang kahaba ng tulog ni Mr. Hatton. Siguro dahil sa pagkakasuntok ng idol sa panga nito nakuryente ito kaya nawala ang pakiramdam kaya ito bumagsak na parang batang itinulak.

Sobrang lakas talaga ang suntok ng ating idol na binansagang Pambansang Kamao. Sino naman kasi ang mag-isip na ganun pala kadaling itumba si Ricky Hatton ng ating Idol. You are the Best Manny Pacquiao.

Wala nang malay si Hatton bago pa bumagsak na flat ang likod sa lona kaya ilang segundo lang kinailangang pagsusuri iwinagayway ni reperi Kenny Bayless ang kanyag kanang kamay sa hangin, hindi na bimilang ng sampu. Hindi nakagalaw si Hatton sa pagkakahiga sa gitna ng ring sa loob ng halos limang minuto dulot ng matinding tama.

Kawawa naman si Ricky Hatton di niya akalain na makakatagpo ng taong katulad ni Idol Manny Pacquiao.Nakikita naman sa girl friend ni Ricky Hatton ang sobrang concern niya sa boyfriend. Naku kahit gusto man niyang tulungan wala naman siyang magagawa. Nakaharap niya kasi ay isang magiting na boxer. Manny is the biggest boxer in the world.


Ayon sa Talaan nasa ibaba ang Personal Defferences of Manny Pacquiao and Ricky Hatton.




Watch the video na nasa ibaba.

Do You want to Download this video?

Click here--->Download Now

Saturday, April 25, 2009

Cigarettes and the Bible

There’s something that really saddens me when I walk through the university belt area. I see countless numbers of students with cigarettes in their hands. According to the State of the Philippine Population Report, about half of all Filipino youth have tried smoking. About half of those who try will never quit—young men being the most likely to become lifetime smokers. The number of young women who try cigarettes has also increased from 17% in ’94 to 30% in 2002.

This smoking epidemic is evident everywhere. It is not unusual for me to see guys smoking outside of the gym. This seems like the ultimate contradiction to me—spending an hour lifting weights, then poisoning your body. I also meet nursing students who smoke—another contradiction, considering that medical professionals should be more aware of the dangers.

Smoking and the Bible

Students sometimes ask me if cigarette smoking is forbidden in the Bible. Here’s the answer: yes, because smoking violates two very important biblical principles.

Principle #1: The Body is the Lord’s

Don’t you realize that your body is the temple of the Holy Spirit, who lives in you and was given to you by God? You do not belong to yourself, for God bought you with a high price. So you must honor God with your body.
-1st Corinthians 6:19-20

The Bible teaches us that the body is God’s temple. Our earthly bodies are temporary, but we should do everything in our power to take care of ourselves. Smoking violates this principle because it destroys the body. Consider this quote from Quit Smoking Philippines. 

“Cigarette smoke contains over 4000 chemicals, and more than 50 of these chemicals cause cancer. These chemicals also cause cardiovascular and respiratory diseases, tooth loss and gum disease, gastrointestinal problems and several other preventable health problems.”

The health problems associated with cigarette smoking have been scientifically proven for decades. Cancer and heart/lung problems are the inevitable outcome of long-term cigarette use.

If this wasn’t bad enough, smoking ruins one’s appearance as well one’s health. Most dermatologists agree that smoking is a major factor in premature aging of the skin (second only to sun exposure). This is due to the fact that smoking reduces the blood circulation in the skin. Below is a computer enhanced picture from no-smoking.org:


This picture shows the potential difference in a smoking and non-smoking twin. Though this picture has been altered, it is quite realistic. To see some actual twin photos (unaltered) you can visit here 

Principle #2: Mastery and Addiction

You must not have any other god but me.
-Exodus 20:3 (1# of the Ten Commandments)

You say, “I am allowed to do anything”—but not everything is good for you. And even though “I am allowed to do anything,” I must not become a slave to anything.
-1st Corinthians 6:12

Christ demands our absolute loyalty. He wants us to obey Him and completely depend on Him in all things. We cannot wholeheartedly follow God if we have addictions. The addiction will always compete for the affection that belongs to God. 

Make no mistake—nicotine is a highly addictive chemical. Once someone becomes addicted, he/she lives for the next nicotine “fix.” God does not want us to be enslaved by such an addiction. He wants us to be free—free to serve Him. 

Some Good News:

If you are a smoker, I still have some good news. The human body does make a remarkable recovery if you are willing to stop. Here’s what happens when you quit:

20 minutes after your last cigarette:

* Your blood pressure drops to normal.
* Your pulse rate drops to normal.
* Your hand and foot temperature rises to normal. 

8 hours after your last cigarette:

* Your blood carbon monoxide levels drop to normal.
* Your blood oxygen level increases to normal. 

1 day after your last cigarette:

* Your chances of heart attack and stroke start decreasing. 

2 days after your last cigarette:

* Your senses of taste and smell begin to heighten.
* Certain nerve endings begin to re-grow.
* Nicotine by-products are removed from your body. 

3 days after your last cigarette:

* Your bronchial tubes start to relax, making breathing easier.
* Your lung capacity begins to improve.
* Physical withdrawal from nicotine is complete 

(you can read more about the benefits at http://www.quitsmoking.com.ph/benefi...

Long-term smoking, of course, will cause irreversible damage—the sooner you quit the better. 

Final Thoughts:

I advise all of you to avoid cigarettes—don’t get started. If you have started, please quit immediately. A few days of withdrawal will restore a lifetime of health. Let’s present our bodies to God as holy and pleasing sacrifices (Romans 12:1).

Sunday, February 22, 2009

Si Jesus ang Pinakamabuting Kaibigan

Kung sino yung pinakamabuting kaibigan para sa akin ay wala ng iba kundi si Jesus lamang

Wednesday, October 22, 2008

Si Jesus, ang Pulubi,at ang kaaway

May isang napakayaman na babae na nagngangalang Melinda relihiyoso siya at may takot sa Diyos, laging nagbibigay ito sa chuch nila ng donation, pera man o gamit na pwedeng gamitin ng church. Halos yata ng Employees ng Church ay kilala na siya dahil sa mga ginawa niyang kabutihan.

Isang gabi nagdasal siya at kinausap niya ang Diyos, "Diyos ko siguro naman sapat na sa iyo ang mga ginagawa ko, para ibigay mo sa akin ang aking kaligtasan at mapasama sayo sa iyong kaharian." Nang makatulog na ito narinig niya ang isang tinig sa panaginip, isang napakahiwagang tinig na hindi niya alam kung saan nanggagaling. "Melinda di pa sapat ang ginagawa mo sa akin para ibigay ko ang iyong hinihiling." pagkasabi ng mahiwagang tinig bigla siyang nagising at natakot. Nag-isip siya kung bakit ganun ang napanaginipan niya sa gabing yon.

Maaga pa lang nakabihis na si Melinda at papunta na ito sa kanyang service Honda civic ng tumunog ang kanyang cellphone. banayad na kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang shoulder bag at sinagot ito. Isang tinig ng lalaki ang tumawag, nakilala niya agad ang boses ng lalaki, Si Reymark isa sa mga staff ng office nila. "Bakit ka nakatawag?" agad tanung niya sa kausap. Umiiyak ang boses ng lalaki, "Maam kagabi may natanggap po akong tawag galing sa pamilya ko sa probinsya, namatay daw ang aking ina at kelangan makakauwi ako agad," sabi ng lalaki. Hindi pa natapos ang pagsasalita ni Reynark, "Alam mo naman kong ano ang proseso ng pag-file ng absence of leave sa opisina natin, at isa pa marami tayong dapat tapusin ngayon kasi kelangan next week matapos natin yong hinihinging documents na nirerequest ng Customer natin kaya kaylangan ko ngayong tao." Pagkatapos pinatay agad ang cellphone na di man lang niya inantay ang susunod pang sasabihin ng kausap.

Mainit ang ulo ni Melinda na pinaandar ang kanyang sasakyan. Mga ilang minuto tumigil siya sa isang parking area ng isang church at pumasok siya doon. May inabot itong sobre sa secretary doon. Paglabas niya sa kumbento may isang ale na may dalang anak at himihingi ng limos. "Pwede po bang humingi ng kahit kunting pambili ng makakain naming mag-ina" saad ng ale na mukha nga itong nanghihina dahil siguro wala pa itong kain. Hindi pinansin ito ni Melinda at tuloy ang paglakad. Dahil dito kinulit siya ng ale, sinundan hanggang sa kanyang sasakyan. Dahil sa sobrang init ng ulo ni Melinda naitulak niya ang ale at bumagsak. Umiyak ng umiyak ang ale pero di pinansin ni Melinda.


Isang gabi nagdasal si Melinda " Panginoon napakahalaga ka sa akin kung pwede lang sana dalawin mo ako sa aking tahanan at ipaghahanda kita ng masasarap na hain at gagastusan kita ng kahit magkano" Pagkadasal nito biglang may isang tinig na sumagot sa kanya, Bukas Melinda dadalawin kita sa iyong tahanan" saad ng napakahiwagang tinig. Pero ng imulat ni Melinda ang kanyang mga mata saka niya lang ito nalaman na isa lang palang panaginip iyon. Pero nag-isip siya, bakit nga ba di niya subukan gawin na ipaghahanda niya iyon pagdating ng bukas.

Maagang ginising ni Melinda ang kanyang kasambahay para ipaghanda ang araw na iyon, magluluto siya ng maraming masasarap na pagkain at gagawin niyang bongga ang araw na iyon para sa Panginoon. Mga ilang oras ang nakalipas bago natapos ang lahat ng paghahanda. Pinaganda niya ang buong bahay, di na siya pumasok sa opisina at ipinagtiwala nalang niya lahat sa secretary niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin doon, dahil isinakripisyo niya ang araw na iyon para sa kanyang panginoon.

Pagdating ng tanghaling tapat, may kumatok sa kanilang pintuan at siya na mismo ang nagbukas. Pagkabukas niya isang kaibigan, na naging kaaway niya dati ang nasa pintuan. Biglang nagalit si Melinda at isinara agad ang pinto. Pagdating ng alas-dos ng hapon may narinig na naman itong kumatok sa pintuan, at mabilis na tinungo ang pinto at pagkabukas niya isang pulubi at humihingi ng makakain, sinara agad ni Melinda ang pinto at mas lalo na naman nadagdagan ang galit nito. Nagdasal siya sa Diyos, "Panginoon sana naman huwag mo akong biguin, sinabi mo na dalawin mo ako ngayon". Pagkadasal niya iyon biglang may kumatok sa pintuan at nagmamadali itong binuksan, pagkabukas niya si Reymark na namatayan ng ina. Umiiyak si Reymark at nakiki-usap kay Melinda na sana payagan naman niya ito na makauwi man lang sa kanilang probinsiya. Bukas mo nalang ako kausapin at may inaantay akong bisita ngayon" agad isinara ni Melinda ang pinto at nagalit na naman ito. Maghapon na nag-antay pero hindi dumating ang inaasahan nitong bisita. Uminum siya ng uminum ng alak at nagpakalasing, masakit ang loob niya" Sabi mo dalawin mo ako pero kahit man tinig mo diko narinig" Sabi nito na umiiyak. Hanggat di niya namalayan nakaidlip na ito sa kaaantay.

"Melinda!...Melinda!... Melinda!...." isang mahiwagang tinig na naman. Bumangon siya at nasilaw ang kanyang mga mata dahil sa sobrang liwanag na kanyang nakikita sa kanyang harapan. "Panginoon bakit mo ako niluko, pinaasa mo ako at pinag-antay ng wala!, di ba ikaw ang nasabi na dalawin mo ako pero kahit tinig mo man lang diko narinig" wika nito habang umiiyak.

Hindi kita binigo, hindi kita niluko at hindi kita pinag-antay ng wala, pinuntahan kita ng tatlong beses pero di mo ako tinanggap sa pamamahay mo, dahil ba sa katauhan ko na yon di mo ako matanggap Melinda?, Sabi mo mahal na mahal mo ako bilang panginoon, pero bakit di mo matanggap ang mga katauhan ko, bakit di mo ako inintindi at maawa man lang sa akin o pinagbigyan sa hiling ko. Hindi ka karapat dapat sa akin Melinda, hindi ka karapat dapat sa akin. " Biglang nawala ang tinig at ang liwanag sa harapan ni Melinda. Nang nagising si Melinda saka niya lang naalala ang mga taong dumalaw sa kanya nung araw na iyon.

Si Jesus ay isang kaibigan na maraming katangian, sabi niya "Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa mo din sa akin". Isang napakagandang hamon ito para sa ating mga kapatid na mamamayan. Nasa paligid po natin si Panginoong Jesus, hindi lang po pananampalataya sa kanya, kundi pati din sa pagsunod sa kanyang gawa. Lahat ng mabuti ay gawa ng Diyos. Gawa ng liwanag.

Saturday, October 18, 2008

Ang Tunay na Pagkakapatid at Pakikipagkapwa

Bawat tao ay may kanya- kanyang paniniwala lalo na kung sa Relihiyon ang pag-uusapan, may kanya- kanyang pamamaraan ng pagtuturo at paninira sa kanilang mga di kaanib o kasama sa pananampalataya. Pero sa totoo lang po hindi po sa relihiyon tayo maililigtas kundi sa lakas at pananampalataya natin kay Panginoong Jesus at pagsunod sa kanyang landas. Marami po kasing nagsasabi na sila lang ang maliligtas, ang sabi naman ng iba, nasa kanila ang tamang landas at tamang paniniwala. Mga kapatid ko kay Jesus sana po buksan natin ang ating mga puso para kay Jesus, huwag po tayong sumira o magsabi sa ating kapatid na mali ang kanyang paniniwala. Wala po tayong batayan kung talagang mali ang pananampalataya ng isang tao, sabihin ng iba ang Bible ang batayan. 100 % po na totoo po iyon dahil ang bible ay isa sa pinakamahalagang batayan natin sa ating pananalig, ngunit bawat tao ay may kanya- kanyang pananaw at pagkakaintindi sa mga nakasulat sa banal na kasulatan, bawat relihiyon may kanya- kanyang paniniwala at pagkakaintindi. Kaya dito nagkawatak watak ang pananalig kay Jesus, dahil may kanya kanya sila ng paninindigan. At ang napakasakit po ay ginagamit na ang isang relihiyon para kumita lang ng limpak-limpak na salapi, Marami nang nagpatayo ng sariling mga organization, heto ang mga taong ipinipilit nilang magbigay ang mga kasapi nila ang sinasabi nilang "ikapu". Ang 10% na kinita sa trabaho ay ibibigay sa kanilang church. Pero tama po ba ito?, Mga kapatid ko kay Jesus, tama sana po ito kung taos puso pong galing sa ating mga mabubuting kalooban, hindi po napipilitan dahil useless din. Kahit 20% pa ang ibibigay po natin kuhng di naman po bukas sa kalooban natin wala ding saysay, di po nagagalak ang Diyos sa atin. Mahirap tanggapin pero marami na pong ginagamit nila ang relihiyon para makaangat sa kanilang sariling buhay. Saka ang ikapu po ay di na po dapat, kasi sobra sobra na po ang mga simbahan or church natin, naipatupad lang po iyan noong unang panahon na kulang pa sa mga kailangan ng ating mga church. Kasi po ang ating Panginoong Jesus ay libo libong tao ay pinakain niya, walang wala po sila pero kaylan man di po niya ipinatupad ang 10% na yun or ikapu, kasi ng sabi nya hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa salita ng Diyos.

Thursday, August 21, 2008

May Pagkakaisa


Noong Augost 17, 2008, sumama ako kina Johny Rabaja at Rvic Bote, sa isang fellowship sa Sta. Lucia. Si Johny kasi ay matagal na siyang umaatend sa fellowship na yun, halos tuwing sabado at lingo. Noon pa niya ako niyaya kaso nga lang di pa sapat ang mga paliwanag na gusto kong malaman tungkol sa relihiyon niya, Im a Roman Catholic pero hindi ako nagdedepende sa turo ng simbahan kundi nagdedepende ako sa mismong banal na kasulatan" Biblia". Kung minsan nalilito ako kasi kung ibatay ko sa biblia ang kaugalian ng RC ay marami akong nakikitang katungan na hindi dapat. Pero di ako tumigil na nanaliksik, kundi mas lalo pa akong nagbasa ng nagbasa ng biblia.

Si Rvic Bote ay firts timer din siyang umatend sa fellowship na yun noong linggo Augost 17, 2008. Napakabait talaga ng Panginoon kasi binigyan niya ako ng changce na makaatend sa fellowship na yun. Pagdating namin doon napakagaan ang pakiramdam ko, pakiramdam ko wala na akong problema. At isa pang nagpahanga sa akin ay may mga pagkakaisa ang mga tao doon, nagkukumustahan, at higit sa lahat napakalakas ng mga pananalig ng bawat isa kay Panginoong Jesus. At halos silang lahat binati ako at kinumusta kahit di nila ako kilala. Napakasaya ko sa oras na yun. Napasama tuloy akong kumanta ng mga christian song nila. Mararamdaman mo talaga na ang Holy Spirit ay nasa puso mo. Ang ganda ng topic ng pastor, at namangha talaga ako. Pagkatapos ng programa ay ipinakilala nila kaming first timer na umatend sa fellowship na yun sa araw na yun, namangha ako at nagulat kasi halos lahat ng mga believer doon ay pumunta sa akin at nakipagkamayan, at halos binabanggit" God Bless You", diko tuloy alam kung sino yong uunahin kong kamayan, napakasaya talaga doon sobrang saya ko. Kaya sabi ko sa sarili ko " God Maraming salamat po dahil binigay mo sa akin ang pagkakataong ito"
Sa totoo lang talaga I'm religious people pero nag-iisa ako kelangan ko ngsamahan at pakikiisa, kasi naniniwala ako na mas powerful ang pananalig kung marami kayo, kasi sabi ni Panginoong Jesus " Kung sino man ang dalawa o mas higit pa na tatawag sa pangalan ko nasa gitna nila ako. So God Thank you so much for the Blessing that im recieved right now. And thanks sa lahat ng mga kabutihang loob na binibigay mo sa akin kahit minsan suwail ako, forgive me God sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko, at hinihiling ko po sayo na sana ilayo mo po ako sa kasalanan, puspusan mo po ako sayong Banal na Espirito, upang magampanan ko ang mga bagay na gusto mong mangyari, at nananalig ako sa pangalang ng iyong anak na si Jesus Amen.

Monday, August 4, 2008

Panlabas na Kagandahan ng tao

Maganda ako, sabi mo sa sarili mo. Kasi kumpleto ka sa height, makinis ang kutis, seksi, may maamong mga mata at dimples, at totoo, maganda ka nga.
Kaya dahil maganda ka, ang gustuhin mong mga kasama ay magaganda rin, ang gustuhin mong manliligaw ay mga gwapo. At siyempre, di ka papatol sa isang pangit na tulad ni Elmer, na bukod sa sarat ang ilong at makakapal ang labi ay hindi pa matangkad at hindi macho.
Nang mag- text sa iyo si Elmer para dalawin ka sa iyong bahay, ang una mong tanong: “bakit…?”
Tapos ay nilait mo ang kaibigan mong nagbigay ng iyong numero sa lalaki. Kung hindi pa naawat, muntik nang masira ang friendship niyo ng iyong kaibigan. Ganoon kalala. Ganoon mo kinamumuhian ang mga taong pangit. Kasi nga, mganda ka, walang kasing ganda.
Para patunayan mong ikaw nga ay maganda, sumali ka sa pa- contest ng school: Ms Campus. Siyempre, dahil totoong maganda ka nanalo ka, nakuha mo ang titulo. Ang laki- laki kasi ng puntos ng self confidence, yung feeling mong magandang-maganda ka kaya lutang sa aura iyon, kita ang mga judges iyon. Kay yabang mo pang sumagot sa question and answer kaya kuha mo ang intelligence points.
So maganda ka kayang-kaya mong ipagyabang iyon sa buong bayan, sa lahat ng lalaki.
Pero teka, isang araw ay humarap ka sa salamin, saka mo tinanong ang sarili: bakit walang manliligaw sa iyo maliban sa pangit na si Elmer? Nasaan ang mga gwpo’t makikisig na lalaki, bakit walang pumipila sa iyong manliligaw gayong ikaw ay maganda, campus queen, etc., etc.
Ay si Chona na pandak at walang appeal, pero tatlo ang manliligaw.
Ay si Jenny na payatot at walang beywang, pero may nobyong ang gwapu- gwapu.
Ay, si Gina na mataba, may nobyo na’y marami pang umaaligid na lalaki.
At si ganito, at si ganire, at si ganoo’t ganyan, bakit hindi naman mga campus queen na tulad niya’y andami daming mga gwapong lalaki na umaaligid?
At ikaw mayroon ngang isang nangungulit, isang pangit na lalaki, sarat pa ang ilong at makapal ang labi’t hindi macho? Maloloka siya. Gusto mong basagin ang salamin. Sinungaling ang mga lalaki, bulag, walang nakikitang ganda.
“ Ang ganda ay hindi sa panlabas na anyo. Nasa loob. Nasa kaibuturan. Aanhin mo ang ganda mo ang makinis mong kutis, seksing katawan, maamong mga mata at dimple na malalim, kung sa loob naman ubod ng pangit, ubod- dumi, at kasuklam suklam na hindi marunong rumespeto sa panloob na pagkatao ng isang tao.
Ang linyang iyon ay si Elmer mo narinig, sa nag-iisang lalaking manliligaw sa kanya, sa pangit na si Elmer na nilalait nililibak mo.
Maganda ka. Seksi. Kaakit-akit. Campus Queen. E, ano? Ang tunay na ganda ay hindi nakikita sa repleksyon ng salamin sa dingding, hindi nakikita sa korona o sa palakpak ng mga tao sa beauty contest. Dahil ang ganda ay nasa loob, ang tanging nakakakita rito ay iyong mga taong marunong magpahalaga sa tunay na kalinisan ng kalooban ng isang tao.
Ang iyong gandang iyon ang dapat maging ganda na sino sa mundong ito.
Ang kabutihang loob ang tunay na kagandahan, hindi ang panlabas na anyo, hindi ang kaseksihan at kinis ng kutis.
Ang Kagandahang loob at kabutihan ng ating puso't isipan ang tunay na kagandahan, kasi ang panlabas na kagandahan ng tao ay magbabago habang siya'y tumatanda, at ang kabutihang loob ay kaylanman di ito mawawala kundi madala mo ito hanggat sa pagtanda at maging sa kabilang buhay. Kaya kaibigan kung ikaw ay may itsura o panlabas na kagandahan huwag po nating ipagyabang o gamitin ito para maluko natin ang kapwa natin, Dapat mo itong pangalagaan at magpasalamat ka sa Diyos dahil binigyan ka ng ganyang itsura. At upang mapanatili mo ang iyong kagandahan, gumawa ka ng mga bagay na nakakasiya o nakakagalak sa ating Poong Maykapal upang ang ating Pinqakamabuting Diyos ay magagandahan sa iyo, at magagalak sa iyo.